Imbak para sa Kategoriyang ‘Ansci’

Lactans

Pebrero 1, 2007

Aku’y napabilang sa grupo ng Lactans sa aming foundation..hehe, aku ang panlaban sa poster making at aku rin ang gumawa ng name tag..

itu yung sample hytyey7567.jpg

Intrams: The Scientific Way

Setyembre 17, 2006

Katatapos lang ng Intrams sa Sayans. Hehe, nakakapagod kahit isang laro lang ang sinalihan ko. Masaya naman kahit papaano. Yung picture sa baba ay yung mga kagrupo ko nung nagprepresent kami. Pagtayo yata ang presentation namin? Di kami ang over-all pero marami naman kaming award maski papaanu. hehe

dscn4551.JPG

Ang sarap tumayu! Itu ang mga dugung bughaw.

dscn4529.JPG

Itu naman yung mga pula.

(may karugtong…)

Pahabul

Setyembre 10, 2006

Ang Binibini at Ginoong Wika 2006. Yung babai ay si Amele Amor Alcantara-II-Umali at yung lalaki ay si Emil Nelius Sindac-4th year. Hehe, bagay sila. Yung ibang nanalu ay ang mga itu:

Bb. at G. Luzon: Dunice Lloyd Mata, Kristine Sindac

            Visayas: Erwin Cayat, Jackie Tan

          Mindanao: Ariel Bitong, Jr., Marriane de Jesus

dscn3857.JPG

Bagay ba?

Linggo ng wika sa sayans

Setyembre 2, 2006

Kahapun yung linggo ng wika sa sayans.sa wakas ay natuluy din, Nagsimula sa parade natapus sa awarding. Hintayin nyu na lang kung kailan ku ilalalagay yung listahan ng mga nanalo. Pero may iba na akung alam, yung mga napanalunan ng II-Umali:

  • Pagsulat ng Tula: 2nd place – Renbel Santos
  • Quiz Bee: 3rd Place – Jad Michael Doringo, Nathaniel Maranan, Dunice Mata
  • Pagsulat ng Sanaysay: 1st Place – Allen Amazona
  • Interpretasyon sa Galaw: 2nd Place – II-Umali
  • Poster Making Contest: 2nd Place – Amele Alcantara
  • Isahang Awit: 2nd Place – Kayla Dukha

dscn3801.JPG

Itu yung sabayang awit namin na de nanalu.

hehe, naritu na naman aku

Agosto 30, 2006

Huy! ang tagal nating de nagkita anu? hehe. Anu baga naman itung Araw ng Wika ng ANSHS, paiba-iba ng schedule. Itu naman kasing AURELCO nag-announce na mag-brobrownout ay de naman pala. Pero sana naman ay matuluy na itu sa Biyernes. Hintayin nyu yung mga piktyur. Maglalagay aku, anu? Ipagsabi nyu naman aku sa mga kakilala ninyu, para yata namang wala lang napunta ditu sa blog ku. Sigi na na da, baka may maawang magdonate para makapag-pahost aku ng site, hehe.

UMALIANISTA AKU! Part 1

Agosto 22, 2006

Sa mga di pa nakaka-alam, ang “Umalianista” ay ang tawag sa mga 2nd year- Umali ng ANSHS. Aku ang nagbinyag nitu. Yung iba ang gustu ay “Umalians”. Pero kahit anu pa man iyan, isa lang naman talaga ang mga 2nd Year- Umali.

Top 10 dahilan kung bakit masaya kaming maging Umalinista  

  1. Ang mga Umalianista kasi ay born to be leaders at yung iba, good followers.
  2. Marunung makisama sa mga tau at kapwa. Tumulong kami kung may nanagangailangan.
  3. Sabi nga ng iba (ayon sa kanilang mga obserbasyon), responsable kami pero inaamin ko, kung minsan naman ay hindi masyado.
  4. Lahat kami ay may pagkakaisa.
  5. Nagtutulungan ang lahat kung may mga contest sa school (e.g. Induction Ball Presentation, X-mas party…)
  6. Madalas kaming nananalo sa YES’O. (itu yung mga basurero sa iskul).
  7. Karamihan sa amin ay ipinanlalaban sa contest saka nananalu naman sila.
  8. Kami rin handsome and beautiful in nature. Peru de lahat.
  9. Makabayan talaga kami. Hehe.
  10. At isa pa, hinde naman kami laging seryoso, marami sa amin ay nanaggagaya ng teacher, lau na kung makatawang magsalita, nakakatawa pa at saka talagang nakakatawa lalu na si Hannah ay kuhang-kuha nya si Mam Brenda. Wehehe.

UMALIANISTA AKU! Part 2, maghintay laang kayu.

Street Dancing

Agosto 20, 2006

Heto na ang ilang pictures noong street dancing..Syempre galing ulit kay Kgg.King Ocampo. I-compare nyo yung ngayon saka nung last Aurora day.

dscn2150move.JPG

Ito ay noong Aurora Day 2006. Second kami.

dscn3331.JPG

Itu naman yung ngayon.. Mas maganda, may lumilipad pa nga ay pero 3rd lang kami. Bakit kaya.

Tingnan nyo na lang yung iba sa piktyur gallery.

Mga kababayan

Agosto 17, 2006

dscn2678.JPG

Ito ang dating daan. De kari, bagu lang yata itu. Ito ang covered walk sa sayans hay. Wehehe. Mahiwaga ang daang itu.Ditu tumatambay yung mga praning kapag hapon. wehehe. De aku kasama dun.

(Picture: King Ocampo)

Yehey! pers kami

Agosto 16, 2006

dscn3289.JPG 

Itu kami. (L-R) Aku, Leah Teh, Mayor Angara, King Ocampo, Mr. Jeff Resuenyo.(Photo courtesy of King Ocampo)

Hehe. First ulit kami. Aba! parang ilang taun na kami ang nananalu. Mula sa BCS hanggang ANSHS, kaming tatlu ang magkakasama. Beterans na talaga. Hehe. Sana sa susunud uli pers na kami kahit wala na si King

Wala nang klase sa Sayans.

Agosto 14, 2006

Hehe, halus karamihan sa estudyante ng Ansci ay wala sa klase dahil may-praktis yung iba sa street dancing at dramatics. Aku naman saka yung dalawa kung alalay ay nagrereview para sa Historical Quiz Bee. Alam nyo ba na simula pa nung grade 4 aku, grade 5 at 6 silang dalawa ay magkakasama na kami ditu sa sideline na itu. Mga beterano na kami. hehe, wala pang talo baka ngayun pa alng. Wag naman sana, anu nga? Sana pers parin kami para may tig 300 kami. Pati yung teacher namin. Yung street dancing naman ay nightshift ku. Wehehe, ang dami kung sideline. Kulang nalang ay pati sa Dramatics. Pero baka pagalitan na aku nung mga teacher ku.:)