Imbak para sa Kategoriyang ‘Umali’
Setyembre 17, 2006
Katatapos lang ng Intrams sa Sayans. Hehe, nakakapagod kahit isang laro lang ang sinalihan ko. Masaya naman kahit papaano. Yung picture sa baba ay yung mga kagrupo ko nung nagprepresent kami. Pagtayo yata ang presentation namin? Di kami ang over-all pero marami naman kaming award maski papaanu. hehe

Ang sarap tumayu! Itu ang mga dugung bughaw.

Itu naman yung mga pula.
(may karugtong…)
Ipinaskil sa Ansci, Kaibigan, Umali | 5 Puna »
Setyembre 10, 2006
Ang Binibini at Ginoong Wika 2006. Yung babai ay si Amele Amor Alcantara-II-Umali at yung lalaki ay si Emil Nelius Sindac-4th year. Hehe, bagay sila. Yung ibang nanalu ay ang mga itu:
Bb. at G. Luzon: Dunice Lloyd Mata, Kristine Sindac
Visayas: Erwin Cayat, Jackie Tan
Mindanao: Ariel Bitong, Jr., Marriane de Jesus

Bagay ba?
Ipinaskil sa Ansci, Umali | 5 Puna »
Setyembre 9, 2006
Huli kayo, nagbebeach pala kayu ha. Siguru nag cucuting classes kayu. Nakakataka anu bakit kaya itung mga itu ay piniktyuran ay ang sasama naman. Nagpunta lang aku sa Batangbaler tapus, muntik na akung mamatay. Ang gitla ku. Ariyo ay bakit nanditu itu sila. Haha, gala kayu ha!

Ang dumi nung beach. Parapol uli,hulaan nyo kung sinu itong mga itu. Dali!
(Photo: Batangbaler.net)
Ipinaskil sa Kaibigan, Umali | 3 Puna »
Setyembre 4, 2006
Magdiwang! ang daming napanalunan ng II-Umali nuung linggo ng wika. hehe, de kami first pero uki na rin dahil maski ikumpara mu sa ibang higher years yung award namin ay mas madami saka mas matataas, hehe. Heto ang ilang mga larawan.

Ito si Kayla. 2nd siya sa isahang pag-kanta. Alam baga ninyo na hinugut lang namin siya dahil yung panglaban ay biglaang umayaw. Buti nalang ay mabait itung si Kayla. Ang galing anu 2nd pa sya dun sa halus isang taun nang nagprapraktis. hehe
Ipinaskil sa Umali | 1 Puna »
Setyembre 2, 2006
Kahapun yung linggo ng wika sa sayans.sa wakas ay natuluy din, Nagsimula sa parade natapus sa awarding. Hintayin nyu na lang kung kailan ku ilalalagay yung listahan ng mga nanalo. Pero may iba na akung alam, yung mga napanalunan ng II-Umali:
- Pagsulat ng Tula: 2nd place – Renbel Santos
- Quiz Bee: 3rd Place – Jad Michael Doringo, Nathaniel Maranan, Dunice Mata
- Pagsulat ng Sanaysay: 1st Place – Allen Amazona
- Interpretasyon sa Galaw: 2nd Place – II-Umali
- Poster Making Contest: 2nd Place – Amele Alcantara
- Isahang Awit: 2nd Place – Kayla Dukha

Itu yung sabayang awit namin na de nanalu.
Ipinaskil sa Ansci, Umali | 4 Puna »
Agosto 22, 2006
Sa mga di pa nakaka-alam, ang “Umalianista” ay ang tawag sa mga 2nd year- Umali ng ANSHS. Aku ang nagbinyag nitu. Yung iba ang gustu ay “Umalians”. Pero kahit anu pa man iyan, isa lang naman talaga ang mga 2nd Year- Umali.
Top 10 dahilan kung bakit masaya kaming maging Umalinista
- Ang mga Umalianista kasi ay born to be leaders at yung iba, good followers.
- Marunung makisama sa mga tau at kapwa. Tumulong kami kung may nanagangailangan.
- Sabi nga ng iba (ayon sa kanilang mga obserbasyon), responsable kami pero inaamin ko, kung minsan naman ay hindi masyado.
- Lahat kami ay may pagkakaisa.
- Nagtutulungan ang lahat kung may mga contest sa school (e.g. Induction Ball Presentation, X-mas party…)
- Madalas kaming nananalo sa YES’O. (itu yung mga basurero sa iskul).
- Karamihan sa amin ay ipinanlalaban sa contest saka nananalu naman sila.
- Kami rin handsome and beautiful in nature. Peru de lahat.
- Makabayan talaga kami. Hehe.
- At isa pa, hinde naman kami laging seryoso, marami sa amin ay nanaggagaya ng teacher, lau na kung makatawang magsalita, nakakatawa pa at saka talagang nakakatawa lalu na si Hannah ay kuhang-kuha nya si Mam Brenda. Wehehe.
UMALIANISTA AKU! Part 2, maghintay laang kayu.
Ipinaskil sa Ansci, Iskul, Kaibigan, Umali | 2 Puna »